agham at teknolohiya
Klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Camarines Norte, kinansela
ni Clarence M. Templonuevo
Nailathala noong October 12, 2024 at 4:13 AM | Pinakahuling na-bago noong October 12, 2024 at 6:23 AM
๐๏ธ: 5 nakabasa
๐๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช: ๐๐ฐ๐ฑ๐ฉ๐ช๐ข ๐๐ฆ๐ฏ๐ข๐ถ๐ฅ ๐. ๐๐ข๐ค๐ณ๐ช๐ป
Kanselado ang klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa sama ng panahong dulot ng Tropical Depression โEnteng,โ ika-2 ng Setyembre, 2024.
Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong ika-1 ng Setyembre ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Sa parteng Luzon:
โข Timog-silangang bahagi ng Cagayan (Lal-Lo, Gattaran, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Baggao, Peรฑablanca)
โข Silangang bahagi ng Isabela (Palanan, Dinapigue, Divilacan, San Agustin, San Guillermo, Jones, Echague, San Mariano, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City)
โข Katimugang bahagi ng Quirino (Nagtipunan, Maddela)
โข Katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
โขAurora
โข Katimugang bahagi ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco, Lopez, Calauag, Catanauan, Gumaca, Macalelon, General Luna, Quezon, Alabat, Perez, General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Unisan, Pitogo, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Plaridel), kabilang na ang Polillo Islands
โข Camarines Norte
โข Camarines Sur
โข Catanduanes
โข Albay
โข Sorsogon
โข Masbate, kabilang na ang Ticao at Burias Islands
Sa parteng Visayas:
โข Northern Samar
โข Samar
โข Eastern Samar
โข Biliran
โข Hilagang-silangang bahagi ng Leyte (Babatngon, San Miguel, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo, Barugo)
Ayon sa tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa tubig baybayin ng Baras, Catanduanes.
Sa kasalukuyan, ang taglay nitong lakas na hangin ay 55 km/h at bugsong aabot sa 70 km/h.
Inaasahan ang bagyo na maging tropical storm kasabay ng pag landfall nito sa Catanduanes o Albay pagsapit ng Lunes at ang posibleng paglabas nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay sa pagsapit ng Huwebes, ika-5 ng Setyembre ngayong taon.
Dagdag pa ng PAGASA, ang bagyong ito ay ang ikalimang tropical cyclone sa taong 2024 at una naman para sa buwan ng Setyembre. Bukod pa rito, mayroon ding 66% tiyansang magsimula ang La Niรฑa sa pagitan ng buwan ng Setyembre at Nobyembre kaya inaabisuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa loob ng kani-kaniyang mga tahanan. ๐๐ฉ๐๐ฎ ๐จ๐๐๐, ๐๐๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐จ!
๐๐ข๐จ๐ข-๐ธ๐ข๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฑ๐ช: ๐๐ช๐ฐ๐ฏ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ณ๐ช๐ฆ ๐. ๐๐ข๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฐ