balita
MCHS, nakibahagi sa Madulang Sabayang Pagbigkas 2024
ni Cristine Gaile D. Nano
Nailathala noong October 12, 2024 at 3:32 AM | Pinakahuling na-bago noong October 13, 2024 at 4:40 AM
👁️: 5 nakabasa
𝘐𝘯𝘪𝘭𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘪: 𝘙𝘪𝘻𝘦𝘵𝘵𝘦 𝘑𝘢𝘯𝘦 𝘈𝘲𝘶𝘪𝘯𝘰 𝘕𝘰𝘱𝘢𝘵, 𝘓𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘢: 𝘎𝘪𝘢𝘯 𝘝. 𝘝𝘪𝘭𝘭𝘢𝘧𝘭𝘰𝘳𝘦𝘴 𝘢𝘵 𝘒𝘪𝘮𝘣𝘦𝘳𝘭𝘺 𝘑𝘢𝘺𝘮𝘦𝘦 𝘈. 𝘉𝘳𝘢𝘷𝘰
Nakipagtagisan ng galing ang mga mag-aaral ng Mabini Colleges High School (MCHS) sa Madulang Sabayang Pagbigkas bilang selebrasyon ng ika-114 na anibersaryo ng kapanganakan ni Wenceslao Q. Vinzons sa SM City Daet noong ika-20 ng Setyembre, 2024.
Sa pangunguna ng Museo Bulawan at Panlalawigang Pamahalaan ng Camarines Norte, 10 paaralan ang nakilahok kabilang ang Gonzalo Aler National High School, San Felipe National High School, Camarines Norte State College Abaño Campus, Vinzons Pilot National High School, Camarines Norte National High School, Bagong Silang 1 High School, Basud National High School, Jose Panganiban National High School, Mabini Colleges Inc., at Our Lady of Lourdes College Foundation.
Binigyang-diin sa patimpalak kung paano binubuhay ng sining ng pagsasalita ang diwa ng mga adhikain ni Vinzons at ang kanyang pagsusumikap na makamit ang kalayaan, hustisya, at pagkakaisa.
𝘛𝘢𝘨𝘢-𝘸𝘢𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘱𝘪: 𝘗𝘦𝘢𝘳𝘭 𝘚𝘵𝘦𝘧𝘢𝘯𝘪𝘦 𝘛. 𝘎𝘢𝘳𝘪𝘯𝘰